A’s Kapre Admirers

Ang Lalaki sa Bintana

Sa tuwing magbakasyon ako sa Pinas ay umuuwi ako sa bahay ng nanay ko sa Pandan, Antique at pinapagamit niya sa akin ang pinaka malaking kuwarto ng bahay. Sa sobrang laki ay maari pang hatiin ito sa 2-3 bedrooms sa standard ng mga binebenta na House and Lot sa kasalukuyan.

Bandang 2 am ay nagising ako ng may narinig akong Katok sa bintana. Ang unang pumasok sa isipan ko ay baka may butiki na naka huli ng malaking insekto. Agad akong bumangon at binuksan ang ilaw. Napansin kong naka bukas ang bintana nguni’t ang pagkakaalam ko ay sarado ito at naka locked bago ako natulog. Wala naman akong napansin n butiki o maski ano upang lumikha ng ingay. Sobrang dilim sa labas at di naman maaring may pumasok na tao sa bakuran dahil sarado naman ang gate at kung may ibang tao man ay dapat tumahol n rin ang aming alagang aso. Muli kong isinara ang bintana, locked at pinatay ang ilaw at bumalik sa higaan.

Makaraan ang ilang minuto ay muli na naman ako naka rinig ng Katok. TOK TOK. Agad na naman akong bumangon at binuksan ang ilaw. Pag hawi ko ng kurtina ay napansin kong bukas na naman ang bintana na sigurado akong sinarado ko ito at nilock pa bago ako humina. Muli kong isinara at nilock. Ang pinagtatakhan ko ay maingay ang “rollers ” nitong sliding door, (analok brown tint ang bintana, standard size at normal lamang na tutunog ito either bubuksan or isasara). Isa pang pinagtatakhan ko ay bakit di ko man lamang narinig na may gumalaw sa lock or yung pg bukas niya. Mga tatlong beses naulit ang pangyayari. Parang Deja Vu. Kakatok sya at babangon ako para lang buksan ang ilaw at isara ang bintana. Ang ginawa ko ay iniwan kong bukas ang ilaw hanggang madaling araw.

Nagising ako halos alas 7 n ng umaga. Pag dilat ko ay may lalaking naka tayo sa labas ng bintana. Walang damit at makapal ang balahibo sa dibdib. Matangkad at bigotilyo. Babangon sana ako upang alamin kung sino nakita ko at bakit nakatayo sa labas ng bintana at naka tingin lang sakin. Aktong babangon ako nang napansin kong wala na pala ang lalaki sa labas ng bintana. Pagdungaw ko sa bintana ay walang tao sa aming bakuran at naka locked p rin ang gate.

Bumalik ako sa Maynila at may nakilala akong psychic. Ang malaking tao na nakita ko sa bintana ng umaga at yung kumakatok ng madaling araw ay magkapatid na kapre na nais daw akong kaibiganin.

Makaraan ang ilang taon ay muli akong bumalik sa probinsya ng nanay ko.

Matutulog pa lamang ako nang may narinig akong mga yapak sa labas. Papalapit sa bintana na kung saan naroon ang kama na aking hinihigaan. Papalapit siya sa bintana. At saka huminto. Sumilip ako ngunit wala naman ako nakita maski aso o pusa. Pero sigurado akong mga yapak ay mabibigat gaya ng yapak ng malaking tao.

Ang nakapagtataka pa ay panay damo ang paligid ng bahay kung kaya’t hindi ito maaring lumikha ng ingay kapag may naglalakad sa kapaligiran maliban kung ito ay buhangin o maliliit n mga bato.

Makaraan ang ilang oras ay nakatulog ako at nanaginip.

Napanaginipan ko ang lalaking nakita ko sa bintana nung nakalipas na taon. Nakipag kilala sya na nakatira raw sila sa puno ng Indian mango sa tapat ng bahay namin. Yun daw ang entrance sa kanilang kaharian at nais nya raw akong isama. Lahat daw ng kahilingan ko ibibigay nya pag duon n ako naka tira sa kanilang kaharian. Sagot ko sa kanya, “Kelangan ko bumalik at baka hanapin ako.” at saka ako nagising nang sabihin kong kailangan kong bumalik.

Nang panahong yun ay Nagpapa pintura ako ng bahay ni nanay at nang matapos ay pinost ko ito sa FB. Isang dating kaibigan na may 3rd Eye (iba p ito dun sa psychic na friend ko rin) ang nag PM na may “nakikita ” raw syang dalawang kapre na magkapatid na nakatira sa puno ng Indian mango at kapwa may gusto raw silang dalawa sa akin. Natawa ako sa PM niya. Bakit ako ang gusto at hindi babae. Humahanga raw sila sa katawan ko. So may kapre din palang bisexual.

Sa tuwing ako ay uuwi, kung hindi sa magpa-paramdam ay nagpapakita sya sa panaginip ko. Marami akong nalaman tungkol sa kanila.

yvetteuytan

Yvette Tan is a multi-awarded author of horror fiction and a lifestyle writer for major local and international titles.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s